di ko pa pala napapalitan yung lock code ng cellphone ko. HAHA. oh well... di naman lock code ang basehan eh. :) HAHAHA.
*
salamat Jane sa pagsabi kanina. di ko na kasi masyadong namamalayan eh.. haha. medyo busy lang kasi, medyo nakagawian ko na yung lock code na yun. :DDecember na. :)
24 araw nalang. :D tsaka
20 araw pa. :) kay bilis ng panahon. :O
kung may mag-aabala pala...
Love in the Time of Cholera ni
Gabriel Garcia Marquez. :) HAHA. ang kapal. sorry. :))
*
Flexi, salamat kanina. (: weeeee. Chocolat na ang ating official tambayan. :P
maybe we
+ + 2:03 PM
it's too late to apologize...
+ + 4:45 PM
woohoo! :)
new layout alert!!!haha. wala lang.
bago na ang layout ko! yesss!!! i had some extra time during the weekend, kaya nakagawa ako. medyo simple lang siya, at super walang kwenta ang graphics, pero ayos na to! haha. para lang masabi na hindi pa abandoned ang blog ko. :D
+ + + + + + + + + +
2 weeks into classes, and
i'm already stressing out. haaay.
Buhay Scientian talaga. hehe. in fairness, miss na miss ko na ang mga summer days kung saan pwede akong gumising ng 10am. haaaaaay. those were the days. hehe. 9months and 2 weeks to go. *
nag-countdown ba naman ng ganito kaaga?*
medyo adjusted na ako sa
buhay 4th year. nakakaasar nga lang yung schedule namin.
tama ba namang gawing merienda ang lunchtime? hehe. 1:40-2:20. goodluck talaga samin. on the bright side, papayat ako/kami. on the other hand, naaabala tuloy ang pakikinig namin sa
El Fili dahil sa
Filipino time kami karamihan kumain. haha. kamusta naman yun? :)
+ + + + + + + + + +
di ko pala nakwento. nung
Independence Day (June 12), lumabas kaming
Flexi, dahil birthday celebration ni
Jane. ayun, pumunta kaming
SM Megamall para bagong experience. nanuod kami ng
The Omen. tapos, laro ng konti. then, diretso sa
Cubao, para mag-
Fiesta Carnival bago umuwi. haha. to see the details, basahin niyo nalang yung blog ni Jane. :)
+ + + + + + + + + +
musta yung pag-let go ko?
ayos lang. haha. :)
masaya nung Saturday.
*
opo Expertmates.
masaya ako nung Saturday. haha. di naman niya mababasa ito eh. kaya sulitin na natin... haha. :)*
pero, continue parin... haha.
focus muna sa studies. :)
GC time na uli!speaking of GC time, hanggang dito nalang muna. aral pa ako sa P6. :)
hehe.
comments on the new layout will be
greatly appreciated.
*mwaaaaaah!*
+ + + + + + + + + +
i was tagged by
Grapes. :D
Instructions:1. The tagged victim has to come up with 8 different descriptions of their perfect lover.
2. He/she needs to mention the sex/gender of their perfect lover.
3. He/she must tag 8 more people to join this game and leave a comment on their respective sites announcing that they've been tagged.
4. If tagged a second time, there's no need to post again.
Gender: Male. :)
Descriptions:1. Funny.- yung tipong corny na mahilig magjoke, kahit nga corny. haha. at yung madaling makiride sa mga jokes ko na corny rin. haha. *baka tamang description dito, CORNY. hihihi...*
2. God-fearing.- may takot sa Diyos. at sana, religious din kahit papano, para may kasama ako sa pagsimba every Sunday. :)
3. Gentleman-ly.- yung may respeto sa babae, and knows how to treat a lady. pero, siyempre, none of us are perfect. kaya ok lang din yung minsan, buddy-buddy rin kayo. haha. come to think of it, mas masaya nga yun eh. :)
4. Same Age.- sana mas matanda siya sakin. hehe. wala lang. kasi, kung mas bata siya, eh di parang we're not on the same page. sana yung ka-level ko lang, para marami kaming pag-uusapan, at tsaka makakarelate kami sa isa't isa.
5. Fat/Chubby.- it's because i'm fat. at, sa tingin ko, ang pangit tignan kung mas payat yung guy kesa sakin. so, he has to have at least, chuuby cheeks. para masarap i-pinch. hehe. pero, sana hindi rin siya yung overly-fat/obese. yung ok lang na chubby-ness. :)
6. Loving/Sensitive. :)- haha. sana super duper loving siya! joke! basta, he knows how to express his feelings to the girl of his dreams *sana ako yun. haha. dreaming. :)* and kinda sensitive too. but not too sensitive, it might come to a point that i'll be the one consoling him every time he cries. haha.
7. Has almost similar interests. - bakit almost lang? kasi, medyo boring kung kaming dalawa, pareho yung gusto. there's no thrill, no new experience. siguro, one or two similarities, ok na. just to keep the conversations going. then, he'll introduce me to some of his favorite activities, and i as well. para kung ganun, we'll be able to learn some things from each other.
8. Singkit! :)- haha. 'nuff said. *guess whoooooooo. hehe.*
haha. yeah right. :)
tagging game
+ + 9:06 PM
bakit ngaung first day pa?
buong summer ako naghintay.
buong summer umasa.
buong summer nagpakatanga, nang wala man lamang konkretong rason o dahilan.
ewan ko.
nangyari na to sakin.
pero ang kaibahan nga lang, dati,
hindi ako siguro marunong bumitaw.
at ang resulta: ilang buwan na puno ng
luha at hinagpis. (OA mo ah!)
kaya ngayon,
i'm saving myself the tears.
goodbye muna sa mga ganyang bagay.
focus muna sa UPCAT at Research!
:)
+ + + + + + + + + + + + +
first day kanina. woohoo. fourth year na kami. ang tanda na namin!!! wala naman masyadong ginawa kanina. ayun, as usual, flag ceremony na super haba. pero at least, nakilala na naming lahat yung bagong principal!!! hehe. saya! :)
pagkatapos ng flag ceremony, ayun, diretso sa classroom. grabe, 4th floor kami. haha. pumayat sana ako. *wishing* nasanay na rin kahit papano, kasi sa
Expert Guides. :) ayun, pili-pili ng upuan, tapos ng locker, tapos linis na ng classroom. tapos, election ng class officers, tapos, iniwan na kami ng aming homeroom.
oo nga pala, homeroom namin si
Mam Osorio. at
Chem ang first subject namin. waiiiiiit. haha. goodluck nalang samin. mukha siyang mabait, pero medyo nakakaantok siya magsalita. haha. tignan nalang natin. :)
medyo nag-isip bata kaming mga Flexi, kasi kung anu-anong games yung pinaglalaro namin. una, yung
Kokology, tapos
Killer-Killer at huli yung
Celebrity. hehe. ang kyut namin, parang enjoy na enjoy kami. haha.
after nung mga games,
orientation na sa conference hall. boring ng konti. pero, ayos lang. pagkatapos ng orientation, uwian na. :)
*
wala sa mood magpost*
haaaaaaay.
forgetting someone. :(
first day high.
+ + 9:52 PM
kawawa naman itong blog ko. nagdaan ang summer, isang beses ko lang napalitan ng skin. huhuhu. pero, ayos lang yan. basta, dapat within this month, gagawa ako ng bago. :) ahaha...
+ + + + + + + + + + + +
first day of classes bukas. waaaaaah. official na ito. fourth year na kami. mixed feelings ako sa pagtapak ko sa ika-apat na taon ng hayskul. masaya ako, ngunit may isang parte ko ang nalulungkot at nag-aalala.
masaya kasi, bagong experience nanaman ito. makakasama ko uli ang mga pinakamamahal kong mga kaibigan, ang mga pinakamamahal kong mga kaklase, at ang mga pinakamamahal kong mga tao sa eskwelahan. may mga bagong pagsubok nanaman kaming haharapin, at tsaka malapit na kaming umalis sa Quesci at maging mga alumni rin.
malungkot dahil kakaunti nalang ang oras na magkakasama kaming lahat. siyempre, pagdating sa kolehiyo, maghihiwalay na kami ng mga eskwelahan. di na namin makikita ang isa't-isa. di na rin kami makakapag-bonding, o makakalabas ng instant lang. magkakalayo layo na kaming lahat.
basta. wala na akong magagawa, natural talaga yun. ang magagawa ko lang siguro ay pasayahin ang 4th year ko! para super memorable!!! hehe...
+ + + + + + + + + + +
haaay.
sana bukas makapagpost.
sige.
nyt na. :D
gising na ng maaga bukas!!!
kawawang blog. :)
+ + 8:45 PM
ayan. nag-update ako uli. nakooo. hindi na madalas ang aking pagsulat dito. ito ba'y pangitain nang maaaring mangyari sa darating na pasukan, kung saan manghahagilap pa ako ng oras para lang matapos ang aking mga gawaing-pambahay at proyekto? (
nagpapanic na si macy. lagot.)
+ + + + + + + + + + +
stressed out ako these past couple of days. unang-una, dahil dun sa
UPCAT form. haaaaaaay. nakakabaliw. pero, masaya ako ngayon, dahil at last, napasa ko na siya kanina! woohoo! :) sana makapasa ako sa UPD. *wishing*
oo nga pala. tungkol sa UP at pagpili ng course. hehe. binitiwan ko na ang aking pangarap sa
CoE, or computer engineering, kasi, wala lang. nawalan lang ako ng interest sa course na yan. :) instead, first choice ko eh
ECE (
grabe macy, ang taas ng pangarap mo! grabe, pano na? hindi kayo bagay ni PHYSICS???), tapos second naman ay
Stat (nakuuu...). hehe.
goodluck nalang sakin, tsaka
sa lahat ng kukuha ng UPCAT this year! mabuhay tayong lahat! :)
+ + + + + + + + + + +
2nd reason kung bakit stressed out ako ngayon,
dahil sa kanya/sitwasyon ko ngayon. ewan ko ba. hindi ko talaga alam kung ano ang plano sakin ni God, tsaka kung ano ang plano niya sa mga nararamdaman ko ngayon. hindi ko rin sigurado, kung totoo ba ito. is it that 4-letter word na kinakatakutan ng karamihan, or that 11-letter word na dati na akong nagpaalipin?
sumabay pa si God, at binigyan ako ng sign (
sign nga ba?). kung kelan talaga, handa na ako, buo na yung isip ko, desidido na ako na i-give up itong feelings na to, pinakita pa siya sakin ni Lord. parang last chance to face your fears, or
last chance to change your mind. sa huli din,
kinagat ko ang last-minute offer ni Lord, at lalong gumulo ang isipan ko. tuloy ngayon, hanging on by a thread ang nararamdaman ko. konting galaw nalang, hulog na ako.
dead. game over na.
pero. binigay to sakin ni God. nagkita kami sa isang di inaasahang pagkakataon. wala naman akong hiningi sa kanya na ganitong kalaking sign. pero, nandun siya kanina. wala akong magagawa. ano ba ito...
...
malaking coincidence? or malaking sign?
help,
please?
+ + + + + + + + + + +
nang matapos ang mga araw na ika'y sa aking piling, iniibig ka parin...ikaw parin -
juana-> sad song. bagay sakin. haaaay. :(
+ + + + + + + + + + +
ngayon ko lang naalala.
grabe.
june 10 na yung refresher course namin sa Expert Guides. at wala pa akong naaaral.
oh no! oras na para magpakaGC uli! :) hehehe...
sign from God
+ + 7:26 PM
Oh yes. Update na rin sa wakas, pagkatapos ang ilang araw. Haha. :)
HAPPY (belated) BIRTHDAY nga pala kay Inay at Itay (feeling ko! haha. ampon lang naman ako sa family tree nila.) :
May 4 - Stella Monique
May 5 - Vittorio
Hehe. Sana naging masaya ang birthday niyo. Hehe. :)
Wala lang. Super naging busy ako last week, and hanggang ngayon. :) Nag-journ pa kasi ako. Pero, no regrets narin. Hehe. Ang saya din pala. :) Tsaka, i'll be doing something na kahit papano, enjoy kong gawin. (layouting! and graphics! and html! waaaah.
heaven.)
Last
Friday, pumunta kaming mga journ sa
National Museum, together with
Sir San Diego, and
Moira. :) Haha. Ang kyuuuuuuuut ni Moira. Super! Ayos naman yung trip. Ngayon lang ako napunta dun, at ngayon ko lang talaga na-experience ang mag-ikot ng exhibit ng super tagal. Kasi ba naman, mga
4 hours kaming naglilibot. Hehe. Pagkatapos nun talaga, ang saaakit ng paa ko. Haha.
Nung
Sunday naman, nag-swimming kaming family. Hehe. Dahil sa kawalan sa oras, this year lang talaga kami naka-bakasyon/swimming na super na-enjoy namin. Hehe. Medyo busy din kasi sina Mama, kaya walang oras. Haha. :) Okay lang,
Splash Island. Na-try namin ng kapatid ko yung karamihan sa mga slides dun. Kahit na yung iba, medyo nakakapangilabot. Hehe. :D
Monday naman. Meeting uli para sa journ, sa school naman. Hehe. Tapos, ang daming first year, enrollment rin kasi nila nun. Ayun. Discuss ng konti si
Mam San Diego. Tapos, umuwi rin kami ng maaga. Nagpagupit din kami ng kapatid ko, at pagtingin ko sa salamin, nireregret ko siya. Dahil hindi bagay, kasi umitim ako sa swimming. Hehe. :) Laboooooo.
Tuesday was Research Day. Hehe. Ayun, tripping nanaman sa
UP-MSI. Hehe, suki na kami dun! Haha. Naging productive naman kami ngayon, as compared dun sa last visit namin. Nakapasok din kami sa library nila, at nakausap din namin yung librarian dun, para makakuha ng ibang info. Ang bait pa nila dun. Hehe. :) Tsaka may idea narin kami, kung sasakaling hindi sa Batangas yung magiging source ng raw materials namin. Kailangan nalang, confirmation sa mga pupuntahan, at available laboratory. :)
Wednesday, hindi ako pinayagan pumunta sa journ meeting. Kasi, sabi ni
Mama, baka mapagod nako (pero, ayos lang naman). Kaya ayun, nagpahinga lang ako sa bahay, tapos nung hapon, sinamahan ko sina Mama at
Kate, para sa enrollment sa school. Ayun, adviser nila si Sir Ian. Hehe. Excited narin ako, kasi sa susunod na araw, enrollment na namin! :)
TODAY, May 11, 2006. :) Haha. Enrollment ng fourth years.
FOURTH years. 4th. Grabe. Parang napaka-surreal. Kelan lang, mga inosente pa kaming mga bata, mga freshmen palang. Tapos, ngayon, kung tutuusin, last time na namin mag-enroll sa Quesci. Next year, who knows? Baka sa Kiko naman. Haha. Joke. :)
Usapan namin ng
Flexi, 8-8:30am ang meeting time, pero as usual, di yan natupad. Haha. :D Pasaway kami, yung iba nauna, yung iba (tulad ko) nahuli. Pero, by 10:45am, isa nalang ang inaantay namin, si
Amae. :) At sa isang milagro, bigla siyang nag-appear dun sa school. Hehe, napagdisisyunan namin na sa
Cubao nalang kami magkikita-kita, kaya nauna na si
Steph, Jane, Alyssa at ako na pumunta dun. Hehe,
MRT take two! Haha. Tapos, pagkababa sa MRT at pagdating namin sa Farmer's, naligaw pa kami ng konti kung paano pumunta sa Gateway. Buti nalang, naintindihan din namin yung mga signs. :)
Ikot muna, habang inaantay namin sila Amae at
Cheoc (sasama pala daw siya), at dun kami napadpad sa
Fully Booked. Ang saya dun sa humor/novelty section nila, natuwa kaming lahat. :) Ayun, pagkatapos nun, kain, siyempre, tapos nagpalit si Amae ng civilian (sa CR na walang bayad!), tapos nagpapicture na kami. Hehe. Napagtripan namin yung Picture City, kasi ang mura niya! Hehe.
After picture, diresto naman kami sa
Fiesta Carnival, para sa
Viking. Kala namin nung una, sarado, yun pala, 4pm pa daw magbubukas, at dahil dun, napa-maniax tuloy kami sa
WOF sa SM Cubao. In fairness, may naglalaro na rin dun ah. At very spacious na sila, inurong na nila yung Exceed sa kabilang dulo. :) After maniax, pahinga ng konti at nag-antay kami na mag-4 pm. :)
4pm. Nung una, kami nila Cheoc at Alyssa ay walang balak mag-Viking dahil takot na kami dun, at kami'y nag-
Bump Cars nalang. Pero, dahil magaling ang convincing powers nila Amae, Steph at Jane (at dahil nilibre kami ni Amae ng ticket ^^,), nag-Viking na rin kami. WAAAAAAAH.
Natakot ako uli. Sobra. Pero, iba na pala yung feeling kapag second time na. At siyempre, dahil natutunan ko na yung leksyon ko na wag masyadong magpaka-daredevil, sa may gitna kami umupo. Lahat kami, 6. Sa gitna. Masikip diba? :)
*
May isang tangang babae na nagsisisigaw dun ng '_______ mahal kita!!!' kaya tuloy, bulgar na lahat ng sikreto niya. (^^,)*
After magpakahilo at masuka sa Viking, umuwi na rin kami, dahil
overtime na kami kung tutuusin, sapagkat 3pm lang ang paalam namin at mga 5:30pm na yun. :) Haha. Ayun, bus naman ang sasakyan pauwi. At dun, naghiwa-hiwalay na kami. :)
*Pero di pa diyan nagtatapos ang kwento ko...*
Nastranded muna ako sa SM ng mga isang oras.
Bakit?
Kasi, umalis ako ng bahay ng walang load, at dumating ako sa SM ng hindi nagpapaload ng regular load na pwede sanang gamiting pangtext sa nanay ko. Tuloy, akala nila, AWOL nako. Haha.
Ang masaklap dito, nilibot ko ang buong SM. Naghanap ako ng payphone na PLDT o Bayantel. At walang gumagana, lahat sila,
out of order. Grabe talaga ang mundo. :)
Buti nalang, nandyan si
ever-reliable-na-mabait-na-friend na si
Renan. Haha. Dahil sa powers ng unlimited ng Sun, at dahil sa kabaitan ni Renan, nalaman din ng parents ko na nasa SM nako. Haha. Ang galing talaga. :D At dahil dun, ililibre ko si Renan sa pasukan. Haha. :) Siyempre, that's what friends are for. :) (sabi niya yan.)
Ayan.
Tapos narin kwento ko.
Inaantok nako.
Bukas nalang ang isang matinong post. :)
viking take two :)
+ + 11:16 PM